Sunday, June 2, 2013

Charice Admits She's a Lesbian at The Buzz Interview

Charice Admits She's a Lesbian at The Buzz Interview
In an exclusive The Buzz Interview this June 2, 2013, international singing sensation Charice Pempengco admitted that she's a lesbian.

Charice answered on Boy's question:

BOY: Mahirap itong tanong, I don't know how to phrase this. Only because ako'y naniniwala that you don't owe anybody an explanation. Naniniwala ako na walang kinalaman sa talento ang usapin na may kinalaman sa sexual orientation at gender identity. Pero kinakailangang itanong kaya itatanong ko. SIMPLE LANG, CHARICE, ARE YOU A LESBIAN?

CHARICE: Tito Boy, meron po akong chance na gawin po lahat ng ito internationally.


BOY: Chance, ibig sabihin itong pag-uusap na ito doesn't have to happen here in the Philippines?


CHARICE: Pero pinili ko po rito dahil malaki po ang utang na loob ko sa mga Pilipino dahil na-feel ko na gusto kong sila yung makakaalam kung anuman po ako, kung sinuman po ako. OPO, TOMBOY PO AKO. Hindi ko po alam kung ano ang problema nun. Kasi para po sa akin wala pong problema yun. Ngayon gusto ko pong humingi ng patawad sa mga hindi po nakaintindi, sa mga hindi po ako matatanggap. Sorry po. Naiintindihan ko po kayo. Pero sa lahat ng makakatanggap, matatanggap po ako, maraming maraming salamat po.


Charice on having fem-to-fem relationship:
BOY: Ipu-push ko lang nang kaunti. Now, that you've said you are a lesbian, Nagkaroon ka na ba ng mga relasyon sa kapwa babae?

CHARICE: Opo naman! Syempre po hindi ko naman masasabi kung sino yung mga nakaraan, pero opo naman, ne-experience ko na po yun.

Charice on getting married someday:
BOY: May plano ka bang magpakasal someday?

CHARICE: One day, one day syempre po. Hindi ngayon pero one day!

Charice on her learnings in life:
BOYSa lahat ng ito Charice, ano yung pinakamahalagang leksyon na iyong natutunan?

CHARICE: Sa mommy ko, kay Carl, sana po mas naging open pa ako, mas naging honest pa po ako. Kasi yun po ang pinakaimportante sa relationship ng mga magulang at mga anak na maging open sa isa't-isa - kahit na anong maging reaksyon ng bawat isa. Sa lahat ho ng ibang mga kabataan diyan na ka-age ko, mga tao na pinagdaraanan ito, always be true to yourself. Alam natin sa sarili natin kung sino ka, life is too short to play games. Just be free.

Watch the Interview Here:

0 comments:

Post a Comment